Deskripsiyon ng Kurso:

Ang Filipino 1 ay isang metalinggwistikang pag-aaral ng wikang Filipino. Nakatuon ito sa estraktura, gamit, katangian at kahalagahan ng wikang Filipino sa akademikong larangan.  Sa lapit multidisiplinaryo at paraang interaktibo, inaasahang matukoy at matalakay ang mga pangunahing kaalaman sa wikang ito. 

Bungang Inaasahan  ng Kurso:

Inaasahan ang mga mag-aaral na:

ü  Matukoy ang mga pangkalahatang kaalaman at konseptong metalinggwistik na pag-aaral.

ü  Malinang ang akademik na komunikasyon: pagbabasa, pakikinig, pagsusulat at pagsasalita; at sa lalong mataas na antas ng kasanayan.

ü  Mailapat ang pag-alam, pagtaya, at pagpapahalaga sa mga kaalaman at konseptong may kinalaman sa kultura at lipunang lokal at global ang komunikasyong kasanayan.

ü  Makilala ang Filipino tungo sa pag-unawa at pagpapahalaga ng teksto at konteksto ang iba’t ibang diskors.